Bale February 11, 2014 nun. Pumunta ako sa office nila. Akala ko for interview lang ako. Sinamahan ako nung guard paakyat then inentertain na ko ni Ate Janet. After ko mag wait ng matagal sa may table ng HR nila, nakausap ko si Ma'am Fe tapos tinanong niya ko kung nag work na daw ako. Then me pinapirmahan sakin na contract. 2 weeks na probationary period daw ako. Tapos nun, tinuruan na ako ako dun sa may guards na table kasi may nag resign daw dun. Pero nung huli inilipat ako sa filing department at ang inilipat dun sa guards ay yung pinalitan ko, si Ate Adel. Ayun. Tapos nagpakilala ako sa mga tao na naabutan ko dun. Si Ate Mariel ang nagturo sakin. Tapos andun din si Ate Bel, si Lourice at Grace. Eventually natutunan ko naman yung mga ginagawa dun. Kahit hanggang ngayon nalilito pa din ako.
Sa first week ng pag stay ko dun. Mahirap talaga. Mahirap makisama sa mga tao dun sa ibang department. Di ko alam kasi kung bakit kelangan pagtsismisan ang buhay ng may buhay. Eh lahat naman ng mga tao sa mundo eh me kanya kanyang isyu. Di na lang nila pakialaman ang buhay nila. Pati ba naman tissue naging issue? Ang hirap talaga pag ganun ang mga taong makakasalamuha mo. Makakakulam ka ng wala sa oras. :D
Nung ika 2nd week ko na ata yun, mga Thursday (Feb. 20) ata eh, binigyan ako ng uniform na masikip naman sa akin so tinastas ko na lang. Tas me dumating na bagong girl, si Nikki. Kasi si Ate Mariel nag end of contract na. So ayun, di na siya napabalik ni Ma'am Fe.
Okay naman si Nikki. Mabait at pala kwento. Medyo sakitin nga lang siya pero mahusay sya mag trabaho. Mabilis nya na na pick up yung mga tinuro ni Ate Bel sa kanya. Eh ako nga hanggang ngayong ika 3rd week ko mabagal pa din ako gumawa. Kasi naman super tambak sa akin yung mga rolyo. Hayys.
Yung cash card ko naman sa Security Bank, binigay nung Thursday (Feb 27) din ata yun. So nung Friday nagpatulong ako kay Ate Bel mag withdraw.
Tas ito ngang Sabado (March 1, 2014), unang sweldo ni Nikki. Ang usapan kasi manlilibre sya pag nakuha na nya ang uniform nya. Tas nakuha na nga nya. Ayun, nanlibre sya ng float.
Eto mga pics naming magkaka trabaho.









No comments:
Post a Comment